Payo at opinyon 4

previous chapter
next chapter

Jun: pare….sabay abot sa akin ng basyong bote niya…

Me: ups…teka lang napasarap ako ng pakikinig sa kwento mo….tumayo ako at kumuha ulit ng tig tatlong bote para sa aming dalawa…matapos kong buksan yung isa ay inabot ko na ito sa kanya…

 

Matapos kunin mula sa aking mga kamay yung malamig na bote ay tumungga muna ito at nagpatuloy sa kanyang pagkukuwento…

 

Jun: November kami  ikinasal ng aking mahal na asawa…October pinanganak yung panganay namin…kaya masayang masaya kami nung aming unang taon ng anibersaryo ng kasal…naghanda kami ng isang munting salo salo para sa aming mga kamag-anak at mga kaibigan…maramirami din ang dumating para kami ay batiin at makisaya sa aming pagdiriwang…masayang masaya kami ng aking asawa…siya lalo na, dahil puring puri ako ng aking mga biyenan…wala silang kahit anong maipipintas sa akin…

 

Dumating din doon ang aking mga kamag anak…nandoon din yung isa kong pinsan na lalaki…ito pa nga pala ang isang dahilan kung bakit ikaw ang napili ko at hindi yung aking mga kamag-anak….itong pinsan kong ito ay may pagka-babaero…natatandaan ko pa…nung una kong ipakilala sa aking mga kamag-anak ang aking mapapangasawa…magnobyo pa lang kami noon…aba’y nilapitan ba naman ako ng pinsan kong ito…tapos ay sinabing…” san…ganda ng nobya mo….sabihin mo sa akin pag hiwalay na kayo ha….ako naman”…nanlaki ang ulo ko sa sinabing yon ng pinsan ko…pero dahilan sa nandoon din nung mga sandaling yon ang iba pa naming kamag-anak…pinagpasensyahan ko na lang siya…ngayon nga…may lakas pa ito ng loob na dumalo sa aming anibersaryo…tanda ko kasi ay hindi ito nagpunta noong kami ay kinasal ng aking asawa…lihim kong pinagmasdan ang mga kilos niya….ganun pa din…may pagnanasa pa din ang tingin nito sa aking asawa….kung hindi ko nga lang ito kamag-anak…malamang ay pinagtabuyan ko na nung mga sandaling yon….masayang natapos ang pagdiriwang namin…

 

Makaraan nga ang dalawang taon ay nabuntis ulit ang aking asawa…at iniluwal niya yung aming pangalawang anak ….babae…nung binyag nito ay dumalo din yung mga kaibigan at kamag-anak namin…dumating din yung pinsan kong manyak…pero dahil sa asawa ko na nga ang aking asawa…hindi ko na gaanong pinansin yung kanyang sinabi sa akin nung dati…kaya lang pag tinitingnan ko siya sa kanyang pagtingin sa aking asawa…ganun pa din…may pagnanasa….o baka talaga lang ganun siya tumingin sa mga babae…lahat ng tingnan niyang babae ay may pagnanasa siya…

 

Ganito matuling lumipas sa amin ang panahon…..masaya kami…unang una ay hindi kami kinakapos sa pananalapi…naglalaan kami ng panahon para makapiling namin ang aming mga anak kahit week ends lang dahil nga week days ay abala kami pareho sa trabaho….pero bawing bawi naman pag week ends…mas madalas nga ay nag out of town kami…bale umaalis kami ng madaling araw ng Saturday….at Sunday afternoon na ang balik namin…

 

Ewan ko ba kung bakit kami nagkaganito…hindi ko malaman ang aking gagawin….lalo na nung mapatunayan kong STD nga ang aking sakit….parang katapusan na ng mundo ko….napakasakit…..lalo na sigurado ako sa aking sarili….wala akong ibang nakatalik na babae…..sigurado akong sa aking asawa ko nakuha ang sakit na ito….paano ko kokomprontahin ang aking asawa…iniisip ko pa lang ay naiiyak na ako….una ng sumasagi sa isip ko ang mga anak namin….ang mga walang kamuwang muwang na mga anak namin….kung sakali….humantong ito sa pag hihiwalay namin…paano na sila…hindi ko makakaya na lumaki silang walang  ina o walang  ama…kaya ako lumapit sa iyo para tulungan mo akong mag decide…o kaya ay mabigyan mo ako ng isang magandang paraan kung paano ko haharapin ang aking asawa….

 

Dito siya huminto sa pagkukuwento….parang naghihintay siya ng kumento ko sa kanyang kwento…para tuloy sabay kaming biglang inuhaw….sabay na sabay kaming nag-angat ng bote at uminom ng malamig na beer….habang tahimik kaming parehong umiinom…..tumatakbo ang aking isipan….ano ang sasabihin ko…unang una….wala akong experience pa sa ganitong sitwasyon….pangalawa…baka kung anoman ang aking ipayo ay lalo lang magpagulo ng sitwasyon….pangatlo…kung sakaling pumalpak ang aking ipapayo…mas malamang magdudusa din ako….kasi kahit paano ay dadalhin ko ito sa aking konsiensya…

 

Katahimikan…..may dumaan na namang anghel…..

 

Jun: pare…ano masasabi mo…

Me: eh…ikaw ang asawa…wala ka bang napapansing kakaibang ikinikilos ng iyong asawa nitong mga huling araw o buwan…

Jun: wala naman…normal  lang, kung ano yung mga dati niyang ginagawa…yun din ang ginagawa pa rin nya hangang ngayon….

Me: eh mayroon ka bang mga pinaghihinalaan kung sakali….maliban doon sa ikinuwento mong pinsan mo….kasi palagay ko hindi yon…dahil alam nya ng asawa mo na yung babae…interesado lang siya dito pag inayawan mo na…hindi ba yun ang kwento mo…so mas malamang ngayong asawa mo na, hindi na siya interesado dito….

Jun: parang ganun nga ang ibig niyang sabihin…

Me: saka mas kilala mo itong pinsan mong ito…sa palagay mo ba magagawa niya ito sa asawa mo…

Jun: hindi ko alam…

Me: eh yung asawa mo….halimbawa lang….halimbawang may nangyari sa kanya…yung hindi naman niya kagustuhan…yung ….alam mo na….sa palagay mo ba ay ipagtatapat niya yon sa iyo…

Jun: simula nung kami ay magnobyo pa lang hanggang sa maging asawa ko siya at magkaroon kami ng mga anak…alam kong wala siyang inililihim sa akin….kung sa opisina niya…kilala at kahit paano ay may respeto sa amin yung mga ka-opisina nya…ewan ko lang….pero lahat halos ng mga pangyayari sa kanya ay hindi maaring hindi niya ikuwento sa akin…..sa ngayon…naguguluhan talaga ako…

Me: alam mo…walang ibang makasasagot ng mga katanungan mo kung hindi ang asawa mo…

Jun: yun na nga…paano ko siya kakausapin….paano kung hindi niya aminin….ano ang aking gagawin…

Me: hindi mo naman malalaman hangga’t hindi mo sinusubukan…mas mabuti siguro ay kausapin mo muna siya…kaya lang dapat maintain mo ang lamig ng ulo…para maiwasan nyo ang pag-aaway…kasi napakaselan na bagay yan…

Jun: kaya nga…halos isang buwan na mula ng matuklasan kong may sakit ako hanggang gumaling ako…hindi pa kami nagtatalik ng aking asawa…sadya kong iniiwasan muna makatalik siya…

Me: hindi ba dapat ay pinagagamot mo din siya…

Jun: paano ko siya ipagagamot eh ni hindi nya nga alam na may dala dala siyang sakit…

Me: kausapin mo….yun lang muna siguro ang maipapayo ko sa iyo…tanungin mo kung paano siya nagkaroon ng ganoong sakit…ngayon….pag may isinagot na siya sa iyo…saka ka umisip kung ano ang susunod mong gagawin…kasi mahirap magbigay ng payo na ganito ang gawin mo…kung wala tayong tiyak na sagot sa mga tanong natin…

Jun: habang inuubos yung huling bote na inabot ko sa kanya…sige pare…salamat…kahit paano ay lumuwag ang aking pakiramdam…pakisabi na lang sa asawa mo salamat sa pag asikaso sa akin…uuwi na ako…pero pare…pwede ba akong bumalik ulit…

Me: oo naman…saka wag ka ng masyado pang magdala ng maraming pagkain…

Jun: yun nga lang ang pwede kong dalhin…eh naaabala ko kayo…

Me: hindi…ok lang yon…

Jun: sige salamat…

 

At umalis na siya sa amin…nagligpit lang ako ng mga pinag-inuman namin….tumuloy na ako sa banyo para maligo….pagpasok ko sa kwarto ay gising pa ang aking asawa…

 

Erika: bakit biglang nagpunta yon dito…

Me: wala…may ikinunsulta lang…

Erika: hi hi hi hi…kelan ka pa naging “consultant”…akala ko ba sabi mo “bodegero” ka lang….hi hi hi hi hi…

Me: ha ha ha ha ha…ikaw….

Erika: ano nga yung ikinunsulta sa iyo…

Me: wala…mayroon lang siyang gustong itanong…

Erika: ano nga yon….

Me: tungkol sa isang bagay na bibilhin niya para sa pamilya niya…pagsisinungaling ko…

Erika: ikaw talaga…hi hi hi hi…lasing ka na siguro….hina hina mong umintindi…yun nga yung tinatanong ko…ano yon…

Me: alin….

Erika: hi hi hi hi…nangungulit yung mama….hi hi hi hi…

Me: ano…ako nangungulit…o sige…usod ka dyan…hihiga na ako…

Erika: eh hindi mo pa nga sinasagot yung tanong ko…

Me: ano ba yung tinatanong mo…pilit kong iniiwasan yung tanong niya para hindi ko masagot…gaya ng pangako ko kay Jun…sa aming dalawa lang yung mga kinuwento niya…

Erika: hi hi hi hi…yun nga…ano ba yon…

Me: humiga na ako….alin nga….

Erika: hi hi hi hi…kung ayaw mo wag…

Me: sige…tulog na tayo…

 

Tumalikod sa akin si Erika…ako naman ay pumikit na….hindi ko na lang siya gaanong pinansin….maya maya pa ay nakatulog na ako….

 

Umaga na ng ako ay magising…wala na sa tabi ko si Erika…bumangon na ako at tinungo yung kusina…papalapit pa lang ako ay amoy na ang mabangong samyo ng sinangag at pritong tuyo na may kasamang dilis…tapos ay itlog na maalat na may kamatis…

 

Me: hhhmmmm…ang sarap sarap naman ang almusal natin…

Erika: siyempre….lika na kain na tayo….at inabutan niya ako ng kape…matapos kumain ay ginawa namin yung aming mga gawaing bahay…tinutulungan ko siya…matapos yon ay nagpahinga kami habang nanonood ng tv…

 

Matuling lumipas ang mga araw…parang hindi ko nakikita si Jun sa trabaho…hindi ko malaman kung naiba siya ng sched o kung ano na ang nangyari sa kanya…mabilis na lumipas ang ilang lingo….hanggang sa isang araw ng sabado ay bisita ko na naman siya…

 

Matapos patuluyin ay tinanong ko agad siya kung ano na nangyari sa kanya…hindi ko na kasi siya nakikita sa trabaho…matapos iabot sa akin yung kanyang mga dala dala ay…pakibigay kay Mrs. ito ha…

 

Tinawag ko ang aking asawa…tumayo si Jun at bumati sa aking asawa…nung buksan ko yung inabot niya…pulutan na naman…ibig sabihin…iinom na naman kami…parang naging automatic tuloy na tumayo ako at kumuha ng tig tatlo agad…para hindi na makaabala sa aming kwentuhan…

 

Habang umiinom ay nagsimula ng magkwento si Jun…

 

Jun: sinunod ko yung payo mo pare…

Me: ha…eh ano ang sagot ni Mrs. mo…

Jun: kwento ko na lang sa iyo ng buo…

Me: sige …

Jun: matapos nating maghiwalay nung huling gabing nagpunta ako dito…pag-uwi ko ay tulog na silang lahat…gayun din ang aking asawa…kaya natulog na lang din ako…kinabukasan na kami nagkausap…tinanong nya ako kung bakit ako ginabi ng uwi…san daw ba ako nagpunta at hindi man lang daw ako nag text o tumawag sa kanya…sadya ko kasing pinatay yung cellphone ko nung nandito ako sa bahay nyo para walang istorbo sa pag-uusap natin…

Pinaliwanag ko sa kanyang may dinalaw lang akong isang bagong kaibigan…pilit niyang tinatanong kung sino…sabi ko hindi pa niya kilala…tapos tinanong kung ano ang ginawa natin…sabi ko nagkaroon ng kaunting inuman..yun lang…tapos tinanong niya ako kung papasyal daw ba namin yung mga bata…week end kasi….sabi ko oo….at matapos nga naming mag breakfast ay dinala namin yung mga bata sa isang mall…doon na kami nagpalipas ng mag hapon….masayang masaya yung mga bata ng kami ay maka-uwi…nakatulog na nga ang mga ito sa sasakyan pauwi…buhat ko yung lalaki at buhat naman ng aking asawa yung babae,  diretso na sila sa kanilang kwarto…si Mrs. ko na lang ang nagpalit ng kanilang damit…ako ay dumiretso a sa aming kwarto at nagpalit ng damit na pang bahay…maya maya pa ay pumasok na ang aking asawa…

 

Nakahiga na ako sa kama ng pumasok sa kwarto namin ang aking asawa…tahimik lang siyang nakamasid sa akin…tinitingnan kung tulog na ako…nagkunwa na lang akong tulog…naramdaman ko na lang ng tumabi siya sa akin sa kama….maya maya pa ay nakayakap na siya sa akin mula sa aking likod…

 

Nakatulog akong hindi ko siya pinapansin….hangga’t maaari ay iniiwasan kong magkaroon kami ng pagkakataong makapag-talik…alam kong walang kaalam-alam ang aking asawa na may sakit siyang dala-dala sa kanyang katawan…hangga’t hindi ko natutuklasan ang lahat lahat ng tungkol sa mga pangyayari sa kanya ay kinakailangang iwasan kong makatalik ang aking asawa…

 

Tulad ng nakasanayan na namin…ako ang unang nagigising…dahilan sa mas malayo ang aking pinapasukan ay ako ang unang umaalis sa aming bahay papasok….pero iba itong araw na ito…wala akong balak pumasok…susubaybayan ko ang aking asawa….nag file ako ng leave…gagamitin ko ang aking leave para masubaybayan ang aking asawa….matapos akong makapag bihis ay sinilip ko muna yung kwarto ng mga bata tapos ay tuluyan na akong lumabas ng aming bahay….lumayo lang ako ng ilang bahay mula sa abangan ng sasakyan at doon ako matiyagang naghintay sa paglabas ng aking asawa…aabangan ko siya hanggang sa sumakay siya ng sasakyan niya at susundan ko siya hanggang sa kanilang opisina…hindi nga lang ako makakapasok sa loob nito dahilan sa kilala na din ako ng mga empleyado doon..

 

Nakita kong lumabas mula sa aming bahay ang aking asawa…sumakay na siya ng biyaheng papunta sa kanyang opisina…sumunod ako ng palihim…ng makarating na siya sa kanilang opisina ay doon ako sa may karinderya sa may malapit lang sa pintuan ng building nila pumuwesto…doon ako nagpalipas ng maghapon…hanggang sa labasan na…nakita ko ang aking asawa…lumabas siya…wala naman siyang kasama….sumakay ng biyaheng pauwi na sa amin…palihim ulit akong sumunod…hanggang sa makauwi na kami pareho…

 

Halos araw araw ay ganito ang aking ginawa…pero halos isang linggong sunod sunod na araw na ako ng palihim na pagsubaybay sa kanya ay wala naman akong nakikitang ibang ginagawa ang aking asawa…hanggang sa makalipas ang isang linggo…week end na naman…gaya ng dati ipinasyal namin  yung mga bata…

 

Lunes na naman…inulit ko lang yung mga ginagawa ko ng nakaraang linggo….patuloy ko pa ring palihim na sinusubaybayan ang aking asawa…..nasa ikatlong araw na ako ng pangalawang linggo ng…bigla akong kinabahan…nanlaki ang aking mga mata…nakita ko ang aking mahal na asawa….palabas ng building nila…may kasabay na lalaki…hindi ko ito kilala…lalo akong kinabahan…hindi pa ito ang tamang oras ng uwian nila…

 

Palinga linga pa ang aking asawa ng lumabas na sila sa building….may kinawayan yung lalak…may lumapit na sasakyan sa kinatatayuan nila…maya maya pa ay nagmamadaling pumasok doon ang aking asawa…kasama yung lalaki….ng tumakbo na ang sasakyan palayo….nagmamadali akong lumabas ng karinderia at naghanap ng masasakyang taxi….swerte naman at may nakita agad akong taxi…nagmamadali ko itong kinawayan habang hindi hinihiwalayan ng aking mga mata yung papalayong sasakyan na sinakyan  ng aking asawa….matapos makasakay ng taxi ay nagmamadali kong sinabihan yung driver na sundan yung kulay itim na SUV kung saan nakasakay ang aking asawa….habang tumatakbo ang aming sinasakyan ay mabilis ding umaandar ang aking utak…isip…isip…kilala ko ba yung lalaking kasama ng aking asawa…kahit anong isip ang aking gawin ay hindi ko maalala kung ka-opisina yon ng aking asawa o hindi…nasa Pasig na kami…ng biglang lumiko yung sinasakyan ng aking asawa…tiningnan ko yung karatula ng establisimentong pinasukan ng kanilang sasakyan….

 

Lalong lumakas ang kabang nadarama ng aking dibdib dinig na dinig ko ang pagkabog nito ….at nanlaki ang aking mga mata ng  mabasa ko kung anong lugar ang pinasukan nila….

 

 

Itutuloy

You may also like

Leave a Reply