Payo at opinyon 6

previous chapter
next chapter

Mia: hu    hu    hu    hu…may natangap akong  email na may naka attached na picture…nung una ay hindi ko ito gaanong binibigyang pansin….hu…hu…hu…unang una na ay sa dahilang hindi ko kilala yung nagpadala nito…hindi ako nagbubukas ng email pag hindi ko kilala ang sender…lalo na yung may mga attachement….yun kasi ang SOP sa opisina…baka may virus na kasama yung email…nagsimula yon sa 1 email sa isang araw…hangang makaraan ang mga ilang araw ay naging 2 email na sa isang araw…patuloy ko pa ring hindi ito pinapansin….hangang sa maging 5 emails na siya sa isang araw…at nitong huli nga ang subject niya ay yung may pagbabanta na…may ma-eeskandalo daw pag hindi ako nag reply sa email na yon…marami akong naging pagkakamali kaya ako napasok sa ganitong sitwasyon….akala ko ay mareresolba ko itong mag-isa…ito ang ikinapahamak ko….hu…hu…hu…hu…

Mia: Kahit may pagbabanta ay hindi ko pa rin iyon pinansin baka kako nanloloko lang….o kaya naman ay may nagpapadala lang ng virus…pero nung ilagay niya sa subject ng email ang ganito…” walang sisihan pag sa asawa mo na pinakita ang mga picture na ito”…. Nagkaroon ako ng konting kaba…kahit alam kong SOP sa office na hindi dapat magbukas ng email pag hindi kilala yung sender….napilitan akong buksan yon…at doon ko nakita sa unang pagkakataon ang ilang larawan….kuha yon na kasama ko si boss papalabas kami ng isang kwarto…pero kitang kita yung logo ng isang kamay nakaturo yung hintuturo pataas at nakatapat sa may bibig na para bang sinasabing wag maingay…yung isang larawan ay nung papasakay na kami ni boss sa kotse niya….at yung isang larawan ay yung papalabas na ng driveway yung sinasakyan naming kotse….

Mia: Unang pagkakamali…hindi ko ito pinagbigay alam sa aking boss….siguro kung pinagbigay alam ko ito sa aking boss may nagawa siyang aksyon dahil unang una na ay wala naman kaming relasyon ng aking boss maliban sa ako ay secretarya niya ng matagal tagal na din namang panahon…dalaga pa lang ako ng magsimula akong magtrabaho sa kanya kaya palagay na ang aking loob kay boss…pangalawa…alam ko at kaya kong ipaliwanag yung mga picture namin ni boss…

Mia: pangalawa ko sigurong pagkakamali din ay kung bakit pinatulan ko yung nagpadala ng picture…dahilan siguro sa gusto kong malaman kung sino at paano niya ako nakunan ng larawan ay nag-reply ako sa kanya…sinabi ko na kahit ipakita niya sa aking asawa yung picture namin ni boss na palabas ng kwarto at driveway ng lugar na yon ay kaya kong ipaliwanag sa aking asawa kung paano nangyari yon…

Mia: pero nag reply din siya ulit sa email ko at sinabi niyang kung sa social network daw niya ipost yung pictures…lahat daw ba ng makakakita ng larawan na yon ay kaya kong pagpaliwanagan…at dito na nagsimula ang aming palitan ng email…hanggang sa hinamon niya akong makipagkita sa kanya…dahilan nga sa wala naman akong  ginagawang masama ay malakas talaga ang loob kong harapin kahit sino…malinis pa noon ang aking konsiyensya…tinanong ko kung saan at kailan niya gustong magkita kami…

Mia: nag reply siya at sinabing magkikita kami sa tamang panahon…at sa tamang lugar…ang talagang plano ko ay magsasama ako ng kahit isang ka-opisina ko para kahit paano ay may testigo ako sa kung ano man at kung sino man ang may kagagawan nito…pero isa na namang pagkakamali  ito…hindi pala ako dapat naglakas loob na makipagkita dito…kahit may kasama pa ako…

Mia: nagpatuloy ang aming palitan ng email…gusto ko kasing malaman kung sino ang gumagawa nito…tama nga siguro yung isang English proverb na “ curiosity killed the cat”… dahilan sa kagustuhan kong makilala at maresolbang mag-isa ang wala namang kabagay bagay na mga larawan na yon ay ito ang aking kinahantungan…

Mia: hanggang sa dumating ang araw na kami ay magkikita nung nag-eemail sa akin…paliwanag ko muna sa iyo yung tungkol sa larawan….natatandaan mo pa ba nung umatend tayo ng kasal ni Emily..yung kasama ko sa opisina…

Jun: oo…nung…..mga anim na buwan na din ang nakalilipas nung dumalo tayo doon…bakit mo naman nabanggit yan…

Mia: yun nga….kaya kami mayroong picture ni boss na lumalabas sa ganyang lugar ay sa dahilang talagang nagtungo kami doon ni boss….pero hindi kaming 2 lang…lahat halos ng ka-opisina namin ay nadoon ng gabing yon…tanda mo pa ba yung sinabi ko sa iyo noon na kakaibang bridal shower…

Jun: oo…pero parang hindi mo dinitalye sa akin ang kwento mo noon…

Mia: paano nga hindi ba halos kinabukasan na din yung kasal….kaya nga hindi ko na gaanong naikwento sa iyo kasi nga parang nagmamadali tayo ng mga panahong yon dahil sa aatend pa tayo ng kasal niya nung umagang yon…hanggang sa makalimutan ko ng ikuwento sa iyo…

Jun: bakit ano ba ang nangyari…

Mia: ganito yon…nagpa-reserve na si Emily ng isang suite doon sa lugar na yon para sa kanyang bridal shower na ang mga kasama nya dapat ay yung mga close friend at relative nya lang at magdadala daw ng mga macho dancers..kaya doon siya nagpa-reserve doon dapat ang venue ng gaganaping “hen party” ang katumbas ng “stag party” para sa mga kalalakihan, na gaganapin para sa kaniya kasama yung mga macho dancers…eh may sumagot bigla ng venue, sinagot ng isang kamag-anak niya yung venue….sa isang resort…so doon naganap yung “hen party” nila…kaya para hindi masayang yung binayad niya para sa reservation niya doon sa lugar na yon…imbes na sa opisina lang namin  gagawin dapat yung bridal shower sa kanya, doon na ginanap…kaya nga kakaibang bridal shower kasi sa ganoong lugar idinaos…

Jun: ngayon…

Mia: bale sama sama kaming mga magkaka-opisina doon sa suite na kinuha ni Emily, doon na ginanap yung bridal shower niya…yung bigayan ng gifts, wishes at iba pa…kaya matapos kumain at nagsisimula na silang magbukas ng iba ibang klase ng inumin ay nagpaalam na si boss…nung makita kong nagpapa-alam na si boss….nagpaalam na din ako ….kaya ayun…sabay kaming lumabas ni boss doon…yun siguro ang kinunan ng picture ng kung sino man yon na nagpadala sa akin nito….kaya naman malakas ang loob kong pumunta sa ganoong lugar, kasi nga marami kami…sama sama kami ng mga ka-opisina ko ng magtungo kami doon…at isa pa alam kong mauunawaan mo yon…yun nga lang nakalimutan ko palang ikuwento sa iyo yon…

Jun: oo nga…nakalimutan mong ikuwento…pero alam kong umatend tayo sa kasal ni Emily…tanda ko pa nga ang motif nila, hindi ba sila yung motif ay kulay ube…

Mia: oo…yun kasi ang favorite color ni Emily……

Jun: ngayon..ano ang mga sumunod na pangyayari…

Mia: yun nga…magkikita na kami, sabi ng ka-email ko ay sa isang pribadong lugar daw kami para makapag-usap kami ng maayos, pero hindi ako pumayag….sinabi ko kung gusto niya sa isang lugar na maraming tao kami magkita…at doon mag-usap…napagkasunduan naming sa isang sikat at malaking mall sa Pasay magkita….

Mia: ayos na ang lahat…tiyempo ding mag overseas sila boss…bale ang kasama ko ay yung secretary din nung isang kasamang nag-overseas trip ni boss…dahilan sa may kasama ako ay panatag ang loob kong walang anumang masamang pwedeng mangyari sa akin…ng dumating kami sa lugar na pinag-usapan ay wala pa doon yung taong hinihintay kong maka-usap…

Mia: maaga kaming dumating, siguro nakaraan ang 15 mins. ay wala pa din siya….sabi ko sa kasama ko…pag after another 15 mins. ay wala pa din yung hinihintay ko ay aalis na kami…ang idinahilan ko sa kasama ko ay may kakatagpuin akong tao na may ipapadala sa isang kamag-anak niyang kakilala ko…hindi naman naghinala sa akin si Cristy, yun ang name ng kasama ko ng mga sandaling yon…

Mia: makaraan pa ang 5 mins. ay may tumawag kay Cristy sa kanyang cellphone, biglang nagkaroon ng emergency sa kanila at kinakailangan niya ng umuwi…dito ako biglang kinabahan…sa totoo lang ay maaga kami ng mga 20 mins. sa takdang usapan namin nung kausap ko…sabi ni Cristy…pasensya na daw at kailangan niya ng umuwi…tinanong pa ako kung gusto ko ng sumabay sa kanya…

Mia: siguro kung sumabay ako sa kanyang umalis ng mall na yon ay hindi nangyari sa akin ito…pero nanaig sa akin na makilala at makita kung sino man ang kumuha ng picture na yon…isa pa…nasa mall kami…maraming tao…ano ang pwede niyang gawing masama sa akin dito…kaya nakapag-pasya akong magpaiwan na kay Cristy…hindi pa siya gaanong nakakalayo ng may lumapit sa akin…

Mia: kilala ko ito…nakikita ko siya sa aming building…nakangiti itong lumapit sa akin…tama…kilala ko siya…isa siya sa mga contractual na kasama sa janitorial services crew sa aming building…niyaya niya ako sa isang resto at habang kumakain kami ay tinanong ko siya kung bakit niya ginawa yon…sabi niya matagal na daw niya akong nakikita sa building na yon…dahilan sa doon siya sa building na yon nagtatrabaho ay naimbita din siya sa bridal shower….siguro dahilan sa hindi ko naman siya pinapansin nung mga panahong yon kahit nakikita ko siya sa aming building.…nakunan niya kami ng picture ng hindi ko napapansin…

Mia: pilit kong tinanong sa kanya kung bakit niya ito ginagawa sa akin…sabi niya para daw mapansin ko siya…sabi ko naman o ngayon…napansin na kita…sana tigilan mo na yang mga ginagawa mo…pumayag naman siya…matapos kaming kumain ay niyaya niya ako sa may parking area ng mall…sabi niya ibibigay nya daw sa akin yung camerang ginamit niya at ako na daw mismo ang mag delete para patunayang ihihinto na niya yung pagpapadala ng picture…

Mia: dahilan sa kagustuhan kong ma-delete na nga yung picture at dahilan sa parking area lang naman kami pupunta…sa isip ko ay safe pa din ako…maraming sasakyan doon at tiyak na wala siyang magagawa sa aking masama sa lugar na yon…

Mia: nagulat pa ako ng isang medyo modelong van ang tinapatan namin….gamit ang keyless entry ay binuksan niya yung driver side at pumasok siya…in-start niya yung sasakyan…tapos ay sinenyasan niya akong sumakay…pumasok sa likod ng van…bantulot akong sumakay..lalo na ngayon at umaandar yung makina ng sasakyan niya…tapos nag-iisa lang ako…

Mia: pero bumaba siya sabay bukas ng sliding door ng van niya at pumasok na siya sa loob habang hinihintay akong pumasok…ng makita niyang bantulot ako ay sinabi niyang kaya niya lang pinaandar yung makina ng van ay para mapa-andar din yung aircon…kasi mainit sa loob…sabi ko naman pwede namang sa labas na lang namin gawin yon…

Mia: pinakita niya sa akin mula sa loob ng van yung dala dala niyang digital camera…tapos ay pinriview niya yung mga picture na kuha sa amin ni boss…bukas pa din yung sliding door ng van…”lika na “ aya niya sa akin mula sa loob…wala sa loob akong napapasok…pinasara pa niya sa akin yung sliding door….para daw hindi lumabas yung lamig ng aircon…ako naman dahil alam kong hindi naman niya mapapatakbo yung sasakyan dahil nasa likod din siya ay sumunod at sinara yung sliding door ng van…

Mia: tapos ay inabot niya sa akin yung digital camera…sabay sabing “sige…ikaw na ang mag delete ng mga picture na kuha ko kasama  si boss mo”…isa isa kong piniriview yung mga picture at isa isa ko itong dinelete…habang dini-delete ko yung mga picture ay parang nabubunutan ako ng tinik…tapos sabi pa niya…”preview mong mabuti para lahat ng picture nyo ay ma-delete mo na”…tinanong ko pa siya baka may copy siya ng mga files ng pictures….sabi niya “ wala na…kaya nga ikaw na mismo ang nagdi-delete sa camera”…

Mia: tuloy tuloy lang ang pag-delete ko ng mga picture…may inabot siya sa mya harapan ko…parang hand sanitizer na nasa spray bottle…hindi ko yon pinansin dahil nasa pag-delete nga ng mga picture ang aking pansin…basta ang alam ko ay nag spray siya noon sa kamay niya habang nakaupo sa tabi ko habang nagdi-delete ako…parang naamoy ko pa nga ang bango ng hand sanitizer na yon…

Mia: nagulat na lang ako ng biglang…tinatapik niya na ako sa aking pisngi…nakatulog ba ako…ano ang nangyari…nag-blackout ba ako…tiningnan ko siya…nandoon pa din sa kinauupuan niya…tiningnan ko ang aking sarili…maayos naman….maliban sa lukot kong uniform…na mas malamang ay nalukot dahil sa maghapon ko na itong suot…tiningnan ko ang aking relos…ganun na ba kami katagal sa loob ng kanyang van…30 mins. na pala ang matuling nakalipas…

Mia: tiningnan ko ulit yung mga laman nung camera…wala na lahat yung picture namin ni boss….sabi ko salamat at bababa na sana ako ng alukin niya akong  ihahatid na sa bahay..…sabi ko naman ay huwag na at pilit akong bumaba mula sa kanyang van… kahit paano ay hindi ko maiwasang mag-isip…contractual na janitor lang siya sa office namin.…pero meron siyang magandang van…..habang pauwi ay yun ang aking iniisip…

Mia: maluwag ang aking dibdib ng ako ay umuwi ng araw na yon…para akong natanggalan ng isang mabigat na pasanin sa aking likod…akala ko ay naayos ko na…pero yun pala ang magiging simula ng lahat ng mga pagkakamaling pang mangyayari sa aking buhay…

Mia: eksaktong isang lingo simula ng magkita kami nung janitor ay may dumating na namang email sa akin…dahil kilala ko na kung sino ang nagpapadala nito…binuksan ko yung email…gaya ng dati…may attachment na naman itong mga larawan…sa pag-aakalang ito pa rin yung mga larawan namin ni boss ay hindi ko na lang ito pinansin…araw araw ay may natatagap akong email na may attachment na picture…

 

Mia: patuloy ko lang itong hindi pinapansin….nakalipas ang mahigit isang linggo simula ng muli akong makatangap ng email doon sa janitor…hanggang sa isang araw…nagulat pa ako…dahil sa drawer ko ay may naka-ipit na picture…picture ko ito….ng tingnan ko itong mabuti ay…..nakalabas mula sa suot kong damit ang aking mga suso…habang may mga kamay na parang lumalamas dito…tapos ay kita din yung aking nakalilis na skirt at nagulat pa ako…nasa tuhod ko na yung suot kong panty…sa likod ng picture ay may nakasulat na…”marami pa yan, tingnan mo na lang sa email mo”…

Mia: paano ito nangyari…san na naman ito kuha…

 

Itutuloy

You may also like

Leave a Reply