Payo at opinyon

next chapter

Ang aking ilalahad sa inyo ay mga tutoong pangyayari, ayon sa nagkwento sa akin, hangad ko na sana ay maisalaysay ko ito sa inyo ng walang labis walang kulang…ng tamang tama lang para maunawaan nyong mabuti ang naging kalagayan ng nagkwento nito…

 

Nagsimula ito isang araw….habang ako ay nagpapahinga sa bahay dahil sa walang pasok sa trabaho, ay may naging bisita ako…isa ito sa mga kasamahan ko sa trabaho…pero gusto kong linawin na siya ay hindi ko ka grupo ni hindi siya kasama doon sa grupo ko na umi-inom araw araw pagkatapos ng trabaho… nagkikita lang kami sa lugar na aming parehong pinagtratrabahuhan…kaya nga nagulat ako ng dalawin niya ako sa aming bahay….itatago ko na lamang siya sa pangalang Jun….

 

Me: may kailangan ka ba at sinadya mo pa ako dito sa bahay namin…

Jun: meron sana….pwede bang makapasok…

 

Pinapasok ko siya at noon ko napansin yung mga bitbit nya…

 

Me: ano maipaglilingkod ko sa iyo…

Jun: may ihihingi lang sana ako sa iyo ng payo…

Me: sa loob loob ko “ langya, magiging tagapayo pa ako” he he he he..ano yon…

Jun: heto nga pala…yung iba para sa inyo…ulam…heto alam ko marami kang stock dyan kaya ito na lang ang dinala ko…

 

Nakita ko ng buksan niya yung mga dala dala nya…garlic crab….bicol express….tapa…at sisig…yung dalawan supot na sabi niya ay ulam daw…nakita kong fried chicken at chopsuy…

 

Me: bakit ang dami dami mo namang dala…ano ba okasyon…

Jun: wala naman…masarap kasing magipag-kwentuhan at uminom pag maraming pulutan…

Me: sige…upo ka muna…tatawagin ko lang ang aking asawa…

 

Ng lumabas ang aking asawa ay pinakilala ko si Jun dito at sinabi kong may mga dala dala itong pagkain…at ipinaalam ko na din sa kanya na magkaka-inuman kami …

 

Erika: hello Jun…ang dami mo namang dala…kami dapat ang magpapakain sa iyo dahil bisita ka…nakakahiya tuloy…

Jun: ok lang po yon Mrs….matapos itong tumayo ng pumasok si Erika sa sala mula sa kusina…

Erika: dito ka na kumain…salo salo na tayo…

Jun: wag na po…tapos na…kayo na lang…

Erika: sige na…wag ka ng mahiya…saluhan mo kami dito sa mga dala mo…

 

Para hindi na sila magpilitan pa ay hinila ko na si Jun patungo sa kusina at doon kami ay nagsalo-salo sa dala niyang pagkain…matapos kumain ay doon na kami sa sala…nagbukas na ako ng malamig….at nagsimula na kaming uminom….

 

Jun: pasensya ka na kung nakaka-abala ko…

Me: hindi..ok lang…wala naman akong gagawin…

Jun: bihira ko na kasi ikaw makitang kasa-kasama ng ka grupo mong umiinom araw araw….

Me: ah…yun ba….ha ha ha ha…hindi na kasi ako ganun ngayon…

Jun: oo nga di tulad nung mga ka grupo mo…wala yatang sawa sa pag-inom ang mga yon…

Me: alam mo naman…sanay na kasi sila sa ganoong pamumuhay…

Jun: eh bakit ka nga ba hindi na kasama nila…

Me: yun ba ang sinadya mo dito…ang tanungin ako tungkol doon…

Jun: hindi naman…curious lang kasi ako…matagal tagal na din naman ako sa kumpanyang yon…at sa natatandaan ko…kahit nung bago pa lang ako doon ay nakikita ko na ang grupo nyo…kayo yung laging masaya…parang mga walang problema…at nakikita ko yon araw araw..

Me: sila na lang ngayon…ako matagal tagal na ding humintong sumama sa kanila…

Jun: pwede ko bang malaman…

Me: yun ba talaga ang sadya mo…ang alamin kung bakit hindi na ako sumasama sa kanila…

Jun: hindi naman…kaya lang, nagtataka din ako…ang tagal tagal nyong magkakasama tuwing uwian happy happy kayo…tapos bigla kang nawala…

Me: mahabang istorya…gusto mo ba yun ang pag-usapan natin…

 

Uulitin ko…sa mga mambabasa nitong story na ito…first time ko lang naka-usap itong taong ito…kahit na iisa lang ang kompanyang aming pinapasukan…oo kilala ko siya pero yun lang kilala dahil nagkikita kami sa lugar ng aming trabaho…

 

Jun: eh..wag na lang…sige…ikaw ano ba ang gusto mong pag-usapan natin…

Me: langya…ako tinanong eh siya ang pumunta sa amin…sa loob loob ko lang…teka…mabuti pa magbukas pa ako ng malamig…

 

Tumayo na ako at nagtuloy sa kusina para kumuha ng malamig…nakita ko ang aking magandang asawa na abala sa pagliligpit ng aming pinagkainan…

 

Erika: pagkatapos nito doon na lang ako sa kwarto ha..papahinga na lang ako…

Me: sige..

Erika: matatagalan ba kayo….

Me: hindi ko alam…

Erika: bakit ba yan nagpunta dito…

Me: ewan ko…sige pag nalaman ko sasabihin ko sa yo…he he he he

 

Isang pinong pinong kurot ang sinukli sa akin ng aking asawa sabay kindat ng isang mata nito…

 

Erika: wag kang masayadong magpakalasing ha…

Me: oo…nagsisimula pa lang naman kami…sige lalabas na ako..

 

Paglabas ko eksaktong paubos na yung ini-inom na beer ni Jun…

 

Jun: kung wala na..papabili pa ako…

Me: ha ha ha ha ha..ikaw talaga…parang hindi mo alam yung gimik ng grupo namin…

Jun: alam ko…kaya lang baka ubos na…pinaaalam ko lang sa iyo na papabili pa ako…

Me: o sige…ano ba talaga ang sadya mo sa akin…

Jun: pwede mamaya na lang ng konti…parang hindi ko pa kayang sabihin…

Me: pare…kung uutang ka…pina-uuna ko na sa iyo…yung asawa ko ang humahawak ng pera…sa kanya ka dapat umutang…

 

Nanlaki ang mga mata ni Jun…medyo parang napahiya…

 

Me: hoy…binibiro lang kita…alam ko namang hindi utang ang pinunta mo dito…

Jun: ha ha ha ha…nabigla lang ako sa biro mo…

Me: sige…musta na pamilya mo….ilan na ba ang anak mo…si Mrs. musta…ano trabaho…

 

Dito siya patang natigilan…matagal bago siya nakasagot…pakiramdam ko ay parang may biglang bumara sa kanyang lalamunan…kinailangan pa niyang umubo ng kaunti para paluwangin yung kanyang lalamunan…nakita ko ding parang may nangingilid na luha sa kanyang mga mata…sa loob loob ko…”mukhang mabigat na problema ang dala dala nito”…

 

Me: pare…hindi ka na kumibo…

Jun: hhhrrrrmm…dalawa ang anak ko isang babae…isang lalaki…5 at 3 years old sila…lalaki yung panganay…si Mrs. Ko naman ay nagtatrabaho sa isang multinational company bale executive secretary siya…6 years na kaming mag asawa…

Me: buti pa kayo…kumpleto na…may 1 girl at 1 boy na kayong anak….kami ng asawa ko ayaw pang bigyan eh…yung sinasabi nilang Obando…yung mag aalay ng itlog…..at yung Maria Clara…sinayawan na namin yon…

Jun: pare….baka Santa Clara ang ibig mong sabihin…Maria Clara nasa Noli Me Tangere yon ni Jose Rizal…

Me: ay…oo nga pala ….ha ha ha ha ha…

Jun: ha ha ha ha ha…

 

Katahimikan…parang may nagdaang anghel……..

 

Jun: pare…yung mga ikukuwento ko sa iyo…ikaw at ako lang ang makaka-alam…pwede ba pangako mo…

Me: pare, kung may papatayin ka…wag mo ng sabihin sa akin…ayokong malaman…kung may babae ka naman…lalong lalong ayokong malaman….ha ha ha ha ha…

Jun: ha ha ha ha ha…pero walang biro…pwede ba tayong dalawa lang talaga ang makaka-alam nito…

 

Nakita kong seryoso na siya…kaya …

 

Me: sige…pangako…tayong dalawa lang….

Jun: ikaw lang ang pagsasabihan ko nito…at the same time…hihingi ako ng payo….kung halimbawa sa iyo mangyari ito…anong gagawin mo….

 

Parang bigla akong nakaramdam ng kaba…mukhang mabigat nga ang problema nito…

 

Me: teka muna…bakit naman ako ang napili mo…yung mga kumpare mo..barkada mo…kamag-anak mo….sana sa kanila ka humingi ng payo…mas kilala ka nila at sa palagay ko ay mas makapagbibigay sila ng magandang opinion kaysa sa akin…

Jun: hindi…ikaw talaga ang alam kong makakatulong sa akin…

Me: o sige…shoot…ano ba ang problema mo pare…

Jun: pare..paki bukas pa nga …ubos na ito…sabay angat ng basyong bote ng beer nya…

 

Tumayo ako at kumuha ulit…pero ngayon ay tig dalawang bote na ang kinuha ko…inabot ko sa kanya yung isa…malamig na malamig yon…matapos niyang tumungga ay…

 

Jun: pare….may tulo ako…

Me: ha…

 

Matagal…medyo matagal bago ko parang naintindihan yung kanyang sinabi…”may tulo siya” eh bakit sa akin pumunta…dapat sa doctor…sa loob loob ko lang…

 

Me: pare…pa doctor ka…madaling gamutin yan ngayon…saka…ang alam ko…bawal sa may ganyang sakit ang uminom ng beer…kaya nga naalala kong bigla yung iba kong mga kainuman dati…pag nagkwento ng tungkol sa mga beer house at mga babae doon na nailalabas….yung mga may “bar fine”….sabi nila…pag umiinom daw ng beer yung ilalabas mo mas malamang walang tulo yon…sagot ko naman…oo nga walang tulo yon…may HIV naman…he he he he he…

Jun: hindi pare…walang halong biro…may tulo nga ako..

Me: wala ding halong biro…tigilan na natin ang pag-inom at bawal na bawal ito sa sakit mo…tapos kung gusto mo sasamahan kita sa doctor…para magamot ka…

Jun: yung tungkol nga dito ang itatanong ko sana sa iyo…

Me: pare..diretsahan ha…ako wala pa akong experience sa ganyang sakit…yung sinasabi ko sa iyo ay base lang sa mga nadidinig kong kwento…kung akala mo ay dahil ka grupo ako ng mga yon…sa inuman lang ako kasama ng mga yon…pag nag beer house na sila…umuuwi na ako…kaya yung tulo wala akong alam talaga dyan…

Jun: hindi yung tungkol sa tulo ang itatanong ko sa iyo…

Me: eh ano…pagamot ka muna pare…tama na itong inuman natin…

Jun: hindi…magaling na ako…mga 2 weeks na akong magaling….ito nga yung ihihingi ko ng opinion mo…

Me: ang alin…

Jun: paano ako nagkaroon ng tulo…

Me: siguro yung inilabas mong babae mayroon kaya nahawa ka…

Jun: pare…yun nga ang hindi ko maintindihan…

Me: bakit…

Jun: ako kahit minsan ba nakita mong uminom o nakipag-inuman after ng trabaho natin…

Me: wag ka sanang magagalit ha…pero parang wala ka ngang kabarkada sa trabaho eh…nakikita kita matapos ng trabaho mo ay umu-uwi ka na agad…ikaw ang nauuna lagi sa service eh…

Jun: pare…yun nga….ito ang mabigat kong problema…

 

Nakita kong maluha luha na siya…

Me: ibig mong sabihin wala kang ibang nakaka…alam mo na…na ibang babae…eh paano ka nagkaroon ng ganyang sakit…

Jun: pare….yun ang hangang ngayon ay hindi ko maubos maisip…

Me: ibig mong sabihin…si Mrs. Mo lang ang iyong…..naku…pare…wala akong ibang ibig sabihin ha…

Jun: ok lang…alam ko naman eh…para na nga akong mababaliw kakaisip dito…

Me: nung magpa doctor ka…ano sabi ng doctor sa sakit mo…positive bang tulo…baka naman urinary tract infection lang …yung tinatawag nilang UTI…

Jun: hindi…pare para makasiguro…pina “swab” ng doctor …

Me: paano ba nagsimula yon…

Jun: una…parang makati yung akin…yun mismong daanan ng ihi…tapos makaraan ang ilang araw may nararamdaman akong parang lumalabas sa kanya…hindi ko nga pinansin nung una…akala ko yung tinatawag na premature ejaculation…kasi maputi din…yun bang parang lumalabas pag nakikipagtalik tayo…tapos nung bandang huli….madilaw na ito…at nung amuyin ko…iba na ang amoy…mabaho…yun…doon na ako nagpunta sa doctor para magpatingin….

Me: ano naman ang sabi ng doctor…

Jun: tinanong ako kung may asawa na ako…tapos ay tinanong kung naglabas daw ba ako ng babae…

Me: anong sinabi mo…

Jun: pare….nagsinungaling ako…sabi ko oo…minsan kakong nalasing ako naglabas ako ng babae…pero hindi tutoo yon….hu hu huh u…

 

Umiiyak na ngayon sa harapan ko si Jun….parang bigla kong naramdaman ang bigat ng problemang kanyang dinadala…ibig sabihin…nahawa siya ng tulo mula sa kanya mismong asawa….

 

Itutuloy

 

You may also like

Leave a Reply